Alden, ayaw sumawsaw sa personal na buhay ni Maine

January 07, 2019
Maine Mendoza

In-assure ni Alden Richards na walang dapat ipag-alala ang AlDub fans nila ni Maine Mendoza dahil okay na okay talaga silang dalawa ngayon.

“Actually, ngayon po, kaming dalawa ni Maine, mas close po kaming dalawa, mas open po kami to each other. Nakakatuwa po kasi ’yung fans na talagang rooting for us pa rin, na they’re showing their support regardless po kung magkaiba man kami ng tinatahak na career as of the moment,” ani Alden nang makatsikahan ng entertainment press sa thanksgiving party niyang ginanap last Sunday.

Pero aminado rin naman siyang ang personal na bagay ay hindi nila napag-uusapan.

“Kami naman pong dalawa, as long as walang mauunang magkwento, hindi po namin tinatanong, so with regards po ru’n sa ibang personal stuff naming dalawa...”

Hindi siya nauunang magkwento?

“Hindi po.”

Hindi rin siya nagtatanong?

“Hindi po. Siyempre, bilang gentleman po, hindi naman po ako manghihimasok sa buhay niya pero if she’s willing to share, I’m willing to listen,” aniya.

Aminado si Alden na talagang totoo na he’s at his happiest now tulad ng ipinost niya sa kanyang Twitter account pagkatapos ng kanyang kaarawan.

Pero hindi raw dahil may nagpapasaya sa kanyang girlfriend o may lovelife siya.

Ang mga magagandang bagay daw na nangyari sa kanya noong 2018 ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

“In my 27th year, 27th birthday, ang dami kong tiningnan noong 2018 na nangyari sa buhay ko na sobrang daming magagandang blessings. Siguro kaya lang po ako talaga masaya, ang dami kong natutulungan dahil sa trabaho ko.

‘”Yung pamilya ko po, nadadala ko sa abroad because of my work. I’m able to secure my future. Unti-unti pong nagiging maliwanag ’yung future ko para sa family ko, ’yung future nila. ’Yung kaligayahan ko na lang po ganu’n kasi parang almost malapit na ako na unahin ko naman ’yung sarili ko,” pahayag pa ng Pambansang Bae.

Hindi naman daw masasabing on hold ang lovelife pero talagang wala pa raw.