Alden bumabalik kay Maine

March 06, 2019
Alden Richards

TIYAK na masayang-masaya ngayon ang AlDub Nation ng magka-loveteam na Alden Richards at Maine Mendoza dahil magkasama for the very first time ang dalawa sa “Daddy’s Gurl” na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine.

Si Alden ang special guest ng “Daddy’s Girl” sa darating na Sabado, March 9.  Although napapanood sina Alden at Maine regularly sa long-running noontime show na “Eat Bulaga,” matagal-tagal na ring hindi napapanood ang dalawa na magkasama where they play as love partners.  Huling napanood ang dalawa sa TV series na “Destined To Be Yours” in 2017 na hindi na muling nasundan.

Kahit may boyfriend na si Maine na iba, ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde, nariyan pa rin ang AlDub Nation para suportahan ang tambalan nina Alden at Maine kahit hindi sila sa totoong buhay.