Alden 'di dapat bina-bash ng fans ni Daniel

September 11, 2019
Alden Richards
Alden Richards

KUNG mahal ng fans ang kanilang mga iniidolong artista, dapat maging masaya sila sa magandang takbo ng  mga karera ng kanilang sinusuportahang artista o celebrity either sila’y ipareha sa iba o sa mga loveteams na kanilang sinusuportahan.  Just like sa case ng tambalan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at nina Kathryn at Alden Richards, wala naman silang dapat pag-awayan at hindi rin nila dapat awayin si Alden.

Secured, supportive at very proud boyfriend si Daniel kay Kathryn at walang dahilan na pagsabungin sila ni Alden na ang naging `kasalanan’ lamang sa kanila ay ang naging successful tandem nila ni Kathryn  sa “Hello, Love, Goodbye” na siyang highest-grossing Filipino film of all time at nalagpasan ang “The Hows of Us” nina Kathryn at Daniel nung isang taon. Alden is grateful sa naging tambalan nila ni Kathryn at gentleman enough na mag-reach out kay Daniel bago sila nagkatrabaho ni Kathryn bilang respeto na kung tutuusin ay hindi na niya (Alden) kailangang gawin.