Alden 'di pa puwede muli kay Kathryn

August 19, 2019
Kathryn Bernardo and Alden Richards

LUMIPAD sina Kathryn Bernardo at Alden Richards noong Saturday papuntang Singapore para um-attend sa special screening ng kanilang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" doon.

Bago rito, papunta sana sila ng Hong Kong para sa special screenings din doon pero kinansela ito dahil sa mga kaguluhang nagaganap.

Sa ngayon, lagpas na sa P600-million mark in domestic earnings ang kanilang pelikula.
Mukha ngang malalagpasan nito ang "The Hows of Us" nina Kathry at boyfriend na si Daniel Padilla.

Bagama't nagpahayag si Alden na gusto niyang magkaroon ng part 2 ang kanilang pelikula ni Kathryn, mukhang matatagalan pa ito bago mangyari. Kaya naman hinaharap ni Alden ang kanyang upcoming GMA drama series na ‘The Gift.’ Sumailalim ang aktor sa isang blind immersion para matutunan at maisabuhay ng tama ang kanyang karakter. Ginabayan si Alden ng Resources for the Blind Inc., isang non-government office na tumutulong sa visually-impaired.

Kuwento niya, naantig ang kaniyang puso sa kaniyang karanasan, “Mas lalo akong na-excite gawin 'yung role. Nakaka-move lang being here today and experiencing first-hand, kung ano 'yung pakiramdam ng pagiging bulag.”