Alden hindi nakaligtas sa lupit ni direk Cathy

July 10, 2019
Alden Richards

HINDI rin nakaligtas si Alden Richards sa ‘lupit’ ni Direk Cathy Molina sa set ng "Hello, Love, Goodbye." Pero sa halip na magalit, nagpasalamat siya dahil dito.  Katunayan, napaiyak at napaluhod na nakayakap si Alden kay Direk Cathy nang marinig nito ang magagandang salita at deskripsyon sa kanya ng lady director.

Sobrang pinasalamatan ni Alden si Direk Cathy, si Kathryn at bumubuo ng cast, ang Star Cinema, ang GMA for making this movie project happen.

It was a brilliant idea na pagsamahin sa isang maitututuring na imposible at dream project ang pagtatambal sa pelikula nina Kathryn at Alden, two of the hottest stars in their respective home studios and in the country today.

Ayon na rin mismo kina Kathryn at Alden, hindi lamang sila nakabuo ng bagong pagkakaibigan sa set ng movie nila kundi nakabuo sila ng pamilya na inasahan nilang magtutuluy-tuloy kahit maipalabas na ang pelikula.

Inamin din ni Direk Cathy na fresh sa kanya ang dating ni Alden na never pa niyang naidirek before at never din niyang napanood ang mga nauna nitong ginawang pelikula at TV series kaya wala umano siyang idea kung paano ito umarte at sa attitude nito towards work.   Iyon umano ang isa sa mga challenge sa kanya.  And she’s thankful na lahat umano ng gusto niyang gawin ni Alden in the movie ay nai-deliver nito.

Although showing pa lamang sa July 31 ang “Hello, Love, Goodbye” na susunod ng world-wide screening in August including Hong Kong, umaasa si Alden na hindi ito ang una’t huli niyang pelikula with Star Cinema at sana’y payagan pa rin siya ng kanyang home studio, ang GMA Artists Center na muling makagawa ng movie project sa iba pang film production houses.

Samantala, nakakatuwang tingnan na welcome sa bakuran ng Kapamilya network ang mga taga-GMA dahil bukod kay Ms. Gigi Santiago-Lara na siyang head ng GMA Artists Center at ibang kasama nito ay naroon din ang news team ng 24 Oras  at Saksi to cover the grand press launch ng “Hello, Love, Goodbye” na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.