Alden, ikakasal sa Dec.

November 11, 2018
Alden Richards

Last Monday na ngayon ng Victor Magtanggol dahil sa Friday, November 16, magtatapos na ang action/fantaserye na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Ang ganda ng ginawa ng supporters ni Alden na pinalitan ng DP ang socmed account nila bilang suporta sa pagtatapos ng show. Gawa ng isa pang supporter ni Alden ang DP at header na “Victor Magtanggol Heroic Finale” at ang nakakatuwa, ginamit ni Alden sa lahat ng socmed account niya ang ginawa ng kanyang supporter.

Makakausap namin mamaya si Alden sa muli naming pagbisita sa taping ng Victor Magtanggol at malalaman ang nararamdaman nito sa pagtatapos ng action/telefantaserye niya na 16 weeks tatakbo hanggang sa Friday.

Kaya mali ang tsika na na-cut short ang airing ng Victor Magtanggol dahil lumampas pa nga ng 13 weeks. Deadma na lang si Alden sa mga maling tsika, ang importante sa kanya, mas marami siyang napasaya, lalo na ang mga bata.

Kahit naman magtapos na ang serye, patuloy pa rin siyang mapapanood sa Sunday Pinasaya at maggi-guest sa ibang shows ng GMA-7. Tama rin lang na magpapahinga si Alden ng ilang buwan dahil simula sa New Year Countdown ng network, tuluy-tuloy na naman ang trabaho niya.

Matanong nga rin si Alden sa kumakalat na balitang ikakasal siya sa December. Sigurado ang mga nagbabalita, pero ang nabanggit lang ni Alden na happening sa December ay ang US vacation nila ng kanyang pamilya.