Alden ipakikilala na rin ang tunay na girlfriend

May 05, 2019
Alden Richards

MASAYA si Alden Richards dahil bukod sa parehong maganda ang takbo ng kanyang dalawang restaurants in Tagaytay at Quezon City, ang Concha’s Garden Café na malapit na ring magkaroon ng ikatlong branch, maganda rin ang takbo ng kanyang bagong bukas  na McDonald’s franchise in Biñan, Laguna na malamang magkaroon ng panibagong franchise branch sa isang taon.

Katuwang ni Alden sa pamamahala ng kanyang mga itinayong business ang kanyang amang si Richard Faulkerson at kapatid  na si Riza.

At 27, bukod sa magandang takbo ng food business, maganda rin ang takbo ng kanyang showbiz career.  Mainstay pa rin siya sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” kung saan sila magkasama pa rin  ni Maine Mendoza, tinatapos niya ngayon ang kanyang first team-up with Kathryn Bernardo under Star Cinema, ang “Hello, Love, Goodbye” na pinamamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia Molina na sa Hong Kong pa kinunan.

Samantala, hanggang ngayon ay waiting pa rin ang mga tagahanga ni Alden kung sino ang masuwerteng mapupusuan nito.

Tanggap na rin ang publiko na malabo silang magkatuluyan ng kanyang ka-loveteam na si Maine dahil meron na itong Arjo Atayde.

Isa sa mga araw na ito ay bubulaga na lamang sa publiko ang totoong kasintahan ni Alden.