Home>Entertainment>Showbiz>Alden, Janine nominado sa 43rd Gawad Urian

Alden, Janine nominado sa 43rd Gawad Urian

Alden Richards and Janine Gutierrez
Alden Richards and Janine Gutierrez

NOMINADO sina Alden Richards at Janine Gutierrez bilang Best Actor at Best Actress sa ika-43 Gawad Urian na gaganapin sa darating na Oktubre.

Nominado si Alden bilang Best Actor para sa pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye,’ habang bilang Best Actress si Janine para sa ‘Babae at Baril.’

Highest grossing Filipino film ang ‘Hello, Love, Goodbye’ kung saan isa sa mga bida si Alden kasama si Kathryn Bernardo.

Samantala, kabilang naman sa 2019 QCinema International Film Festival ang ‘Babae at Baril’ kung saan napalanunan ni Janine ang kanyang unang Best Actress award.

Kasama rin ang ‘Babae at Baril’ sa listahan ng mga nominado sa katergoryang Best Picture, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Supporting Actor, Best Production Design, Best Music, Best Editing, at Best Director para kay Rae Red.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal