Alden at Julie Anne, inakusahang gumigimik sa ‘friendly hug’

December 12, 2018
Alden Richards

Kumalat sa socmed ang picture nina Alden Richards at Julie Anne San Jose in a friendly hug sa taping ng Sunday PinaSaya.

Marami ang natuwa nang makita ang picture dahil finally, magkaibigan na uli ang dalawa at kinalimutan na ang isyu at hindi pagkakaunawaan na nangyari sa kanila in the past.

Naging close rin naman ang dalawa, may nangyari lang at hindi na sila nag-usap at may iwasang nangyari kahit magkasama sila sa SPS.

Nabanggit minsan ni Julie na casual sila ni Alden ’pag nagkikita, “hi” at “hello” lang, but after that friendly hug, puwede na silang magkumustahan.

Magandang Pamasko ito at salubong ng 2019 sa dalawa.

Hindi na maninimbang ang mga kasama nila kung sino ang lalapitan at kakausapin sa dalawa at pwede na silang pagsamahin sa production number na silang dalawa lang.

May mga hindi natuwa sa friendly hug nina Alden at Julie at inakusahan pa silang gumigimik at pang-promo ang friendly hug.

Wala silang project together, paano sila gigimik?

Hindi ba pwedeng pareho na silang nakapag-move on sa past at ibalik uli ang pagiging magkaibigan? Mas masaya ’yun!