Alden, Ken at Dennis, patok na patok sa Thai fans

September 22, 2019
Ken Chan, Dennis Trillo & Alden Richards

GALING sa Thailand sina Alden Richards, Ken Chan, at Dennis Trillo para dumalo sa isang major event ng Thai media content company na JKN Global Media. Special guests ang Kapuso stars sa nasabing event dahil sila ang bida sa mga Philippine TV drama na isho-showcase doon sa tulong ng partnership ng GMA Worldwide.

Nauna nang mapanood ng Thai viewers ang My Faithful Husband ni Dennis at Destiny Rose ni Ken. Malapit na ring ipalabas doon ang isa pang serye ni Ken na Meant To Be at ang pinagbibidahan ni Alden na Destined To Be Yours.

Kaya naman maraming Thai fans ang kinilig sa mga Filipino actors na ito.