Alden, kumambyo ng bakasyon sa Japan.

December 18, 2018
Alden Richards

KUMAMBYO ng ibang destinasyon si Alden Richards para sa bakasyon niya kasama ang pamilya ngayong Pasko.

Napurnada ang unang plano na sa San Francisco nila i-celebrate ang Christmas pero nagdesisyon siyang sa mas malapit na Japan na sila bumiyahe kahapon, Martes.

Hindi raw kasi kaya ng Lolo Danny ni Alden ng long flight mula Manila hanggang SanFo dahil sa edad nito.

Hindi rin maiwanan ng sister niyang si Risa na mawala nang matagal sa training niya para sa isang food chain.

Pero kahit hindi kasama ang isang kapatid, siguradong susulitin ni Alden at pamilya niya ang bakasyon nilang ito.

Regalo na rin kasi ng Pambansang Bae ang biyahe kahit ilang araw lang silang mananatili sa Japan.

Babalik agad ng bansa si Alden dahil tradisyon na ang pagiging host niya ng GMA New Year’s Countdown tuwing December 31.