Alden at Maine, walang palakasan sa pagbubukas ng fast food chain

January 08, 2019
Alden Richards

Ang sariling franchise ng McDonalds ang birthday gift ni Alden Richards sa sarili. Located sa Biñan, Laguna ang kanyang McDo outlet at plano niyang buksan ito sa Easter Sunday.

Ayon kay Alden, lumaki siya na lagi silang kumakain ng pamilya sa McDo at pinangarap na someday, sana ay magkaroon din siya ng franchise nito.

Hindi niya akalaing matutupad ito at the age of 27 kaya masayang-masaya ang Pambansang Bae.

Bukod dito, nauna nang maging endorser si Alden ng nasabing fast food chain with perennial screen partner, Maine Mendoza.

Nauna namang nagkaroon ng franchise si Maine na located sa Bulacan at kwento nga ni Alden, malakas ang nasabing branch.

Sa dinami-rami ng naging celebrity endorsers ng McDo, sina Alden at Maine lang ang mayroong franchise and hopefully, ayon sa aktor ay masundan pa.

Aminado si Alden na naging inspirasyon niya si Maine kaya kumuha rin siya ng sariling franchise at nilinaw niyang dumaan sila sa normal process at walang special treatment komo endorsers sila.

Natuwa raw si Maine nang malamang may franchise na rin si Alden at binigyan siya ng advice sa pag-handle ng store.

Sa kanyang career naman, bandang second or third quarter pa raw ng 2019 ang bagong soap opera ni Alden sa GMA-7 pero hindi pa niya alam ang concept.

Tuluy-tuloy pa rin daw siyempre ang kanyang Eat Bulaga stint at sa Holy Week ay mayroon siyang out of the country tour.

May mga movie offer din daw siya at kasalukuyang pinipili pa nila kung ano ang nababagay na proyekto para sa kanya.