Alden muling pumirma sa GMA

September 03, 2019

NGAYONG September 16 na magsisimula ang bagong primetime drama TV series na pagbibidahan ni Alden Richards, ang “The Gift” na pinamamahalaan ni LA Madridejos. Sa nasabing serye ay makakasama ni Alden sa cast ang bagong Kapuso contract artist, ang 2018 Miss Eco International na si Thia Thomalla with Elizabeth Oropesa, Mikee Quinto, Jo Berry, Rochelle Pangilinan, Betong Sumaya, Martin del Rosario, Ysabel Ortega, Tetay at Jean Garcia.

Ang “The Gift” ay first TV series ni Alden sataong ito at follow-up sa kanyang action-drama series nung isang taon, ang Victor Magtanggol” na dinirek niDominic Zapata.

Speaking of Alden, euphoric pa rin ang kanyangpakiramdam hanggang ngayon dahil patuloy pa rin sapagpalo sa takilya laluna sa international screening ng movie ni Kathryn Bernardo under Star cine, ang “Hello, Love, Goodbye” sa iba’t ibang bansa.  Ito’ydinirek ni Direk Cathy Molina under Star Cinema, the project of many firsts sa Kapuso prized actor.  Ito’ybukod pa sa international award na kanyang natanggaprecently sa Seoul, Korea, ang “Asian Star Prize” mulasa 14th Seoul International Drama Awards na sinundanng Icon Celebrity award sa Pilipinas.

Ipagpapatuloy ni Alden ang kanyang  pagiginginspirasyon sa kanyang mga fans at sa ibang tao.

Bukas din si Alden sa posibilidad na muli silangmagtambal ni Kathryn sa movie in the future at gusto rin niyang makatrabaho ang iba pang Kapamilya stars sa pelikula.