Alden naimpluwensyahan ni Maine

January 09, 2019
Alden Richards & Maine Mendoza

TIYAK na matutuwa ang misis ni Sen. Chiz Escudero, ang singer-actress-painter, entrepreneur at celebrity endorser na si Heart Evangelista dahil isa siya sa mga pangarap ng Pambansang Bae na si Alden Richards na makapareha in his future projects with GMA.

Bukod sa tambalan nila ni Maine Mendoza, natutuwa si Alden to work with other female leads ng Kapuso Network.  Given the chance, gusto rin umano niyang makatrabaho ang ibang Kapamilya stars in a movie.

Hindi man nauwi sa totoong relasyon ang tambalan nina Alden at Maine, aminado ang singer-actor-celebrity endorser and entrepreneur na maganda umano ang kanilang relasyon ni Maine hindi  lamang bilang magka-loveteam kundi bilang malapit na magkaibigan.  Wala umanong nabago sa kanilang pagkakaibigan sa kabila na magkahiwalay lately ang kanilang respective projects na kailangan din nila for their own respective individual growth.

Aminado rin si Alden na si Maine umano ang nag-inspire sa kanya para magkaroon na rin ng sarili niyang franchise ng kilalang food chain, ang McDonald’s na bubuksan in Biñan, Laguna on Easter Sunday this April. This will be managed by his sister na si Riza Faulkerson.

Sina Alden at Maine ay parehong celebrity endorsers ng McDeonald’s.

Ngayong nabigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya, hindi malayong magkaroon na rin ng girlfriend si Alden hopefully this year, o baka meron na pero ayaw pa lamang niyang aminin sa publiko.