Alden nakilala na rin sa Korea

August 30, 2019
Alden Richards

MAGANDA siguro kung makakagawa ang Kapuso prized actor na si Alden Richards ng isang Fil-Korean movie kung saan niya makakatambal ang isa sa lead young actresses ng Seoul, Korea.

Matapos maglakad sa red carpet at  makatanggap ng Asian Star Prize award  mula sa 2019 Seoul Drama Awards na ginanap sa Grand Peace Hall ng Kyung Hee University ng Seoul, Korea last August 28 which was aired on SBS News at iba pang Korean social media sites, tiyak na kilala na ng Korean fans si Alden.

Maituturing ni Alden na `lucky year’ ang taong 2019 dahil sa maraming magagandang blessings na dumating sa kanya at kasama na rito ang kanyang mega box office hit movie with Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye” na dinirek ni Cathy Garcia Molina under Star Cinema.

Ang kulang na lamang ngayon kay Alden ay ang kanyang  lovelife.

Alden is currently taping his new TV series, “The Gift” kung saan niya makakatambal ang beauty queen-turned Kapuso actress  na si Thia Thomalla.