Alden proud sa kapatid sa nurse sa Amerika

March 26, 2020
Alden Richards

KUNG gugustuhin lamang ng nakatatandang kapatid ng Kapuso prized actor na si Alden Richards na si RD Faulkerson ay hindi na ito kailangang magtrabaho pa bilang nurse sa California, USA at tumulong na lamang sa pamamalakad ng mga negosyo ng kanyang nakababatang kapatid sa Pilipinas pero may sinumpaan siyang tungkulin na dapat niyang tuparin.

Tulad ng mga nurses dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa, hindi naiiba ang kapatid ni Alden na nasa frontline ngayon dahil sa pagkalat ng coronavirus (Covid19) sa buong mundo.

Saludo at nagpapasalamat si Alden sa mga frontliner sa gitna ng krisis sanhi ng Covid19 na isinusuong ang kanilang mga buhay para matulungan ang ibang tao.