Alden Richards nagbabala tungkol sa fake account

July 04, 2020
Alden Richards
Alden Richards

BINALAAN ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang netizens sa isang poser na ginagamit ang kanyang identity para gumawa ng fake Instagram account.

Pinaalam ni Alden sa kanyang followers ang fake account sa kanyang Instagram stories noong July 3.

Samantala, isa sa pinagkakaabalahan ni Alden habang hindi pa nagre-resume ang tapings ng kanyang mga programa sa GMA ay ang pagkakaroon ng live game stream para makipag-interact sa kanyang gamer fans.