Alden, sa Iceland magsi-celebrate ng Valentines day

February 13, 2019
Alden Richards

Sa Iceland nagbakasyon si Alden Richards, umalis ang aktor at ang kanyang kasama noong Tuesday.

Kasama sa itinerary ng aktor ang lugar sa Iceland na location ng Game of Thrones, kaya sabi niya, dream destination niya ang nasabing bansa.

Isasama na rin siguro ni Alden ang pagbabantay sa paglabas ng Northern Lights, tutal naroon na rin siya.

Sa February 18 pa ang balik ni Alden, kaya wala siya rito ngayong Valentine’s Day.

Walang aabangan ang kanyang fans kung sino ang makaka-date niya dahil ang kasama niya sa Araw ng mga Puso ay ang kasama niya sa Iceland.

Mali ang tsikang sa US pupunta si Alden at may susundan siya. Sa Iceland ang destinasyon niya at wala nang iba pa.