Home>Entertainment>Showbiz>Alden sa pagbabalik-taping: “Sobrang iba talaga”

Alden sa pagbabalik-taping: “Sobrang iba talaga”

Alden Richards

SOBRANG nanibago si Alden Richards nang sumabak muli sa pagte-taping sa ilalim ng new normal. Kabilang si Alden sa star-studded cast ng pinakabagong drama anthology ng GMA-7 na ‘I Can See You’. Makakatambal niya para sa unang installment na ‘Love On The Balcony’ ang Kapuso leading lady na si Jasmine Curtis-Smith.

Sa kanyang panayam sa 24 Oras ay inamin ni Alden na nanibago siya sa unang acting project matapos ang ilang buwan na community quarantine, “First project shoot ko ‘yun since March. So, sobrang iba talaga.”

Idinetalye rin ng Kapuso actor ang pinagdaanan nilang preparasyon bago mag-taping para maging handa habang nasa set, “’Yung mga preparation prior to tapings nag-iba rin. Swab testing, tapos health monitoring. On the set, health monitoring pa rin. After nung taping namin, ‘yung last day, nag-antigen swab kami.”

Dagdag pa ni Alden, “’Tapos lahat hindi ko nakita ‘yung mukha. Lahat naka-mask, lahat naka-face shield. So, new environment.”

Makakasama rin nila sa ‘Love On The Balcony’ sina Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez. Mapapanood ang unang installment ng I Can See You, sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos, ngayong September 28 na sa GMA Telebabad.

GMA News TV newscasts balik na simula ngayong Lunes

Logo: GMA News TVGOOD news para sa viewers na mahilig sa news programs. Magbabalik na sa ere ang mga newscast ng GMA News TV simula ngayong Lunes (September 21). Kabilang sa mga ito ang “Balitanghali”, “Quick Response Team (QRT)”, “State of the Nation with Jessica Soho”, at “Stand for Truth.”

Simula sa umaga, pwede na agad tumutok sa Dobol B sa News TV. Kasunod nito ang Balitanghali. Pagdating ng hapon, 3:30 pm, mapapanood naman ang Quick Response Team.

Patuloy pa rin ang simulcast airing ng Kapuso primetime newscast na 24 Oras, pati na rin 24 Oras Weekend. Sigurado namang marami ang mag-aabang sa pagbabalik ng State of the Nation with Jessica Soho na mapapanood tuwing 10 pm.

Local news naman ang ihahatid ng GMA Regional TV Strip pagdating ng 11 pm. Kasunod nito ang Stand for Truth, na napapanood pa rin online.

Dagdag pa rito ang “GMA Regional TV Weekend News” tuwing Sabado, 5 pm.

Mark at Nicole nagkaroon ng simpleng gender reveal party

Mark Herras and Nicole Donesa
Mark Herras and Nicole Donesa

MATAPOS ianunsyo na magkakaroon na sila ng anak, isang simpleng gender reveal party ang inorganisa ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Sa kanilang YouTube channel, ibinahagi nila na boy ang gender ng kanilang magiging supling. Pinangalanan nilang Corky ang anak, kombinasyon ng mga pangalan nila at ng salitang “baby.”

Sa naging livestream naman ni Nicole para sa Descendants of the Sun online show na DOTS How To Do It, ikinuwento niya na malakas na ang kutob niya na baby boy ang kanyang ipinagbubuntis.

Aniya, “”I think I’m having a boy ‘coz I’m so tamad to get ready kahit iba-brush ko lang ‘yung hair ko and konting lipstick, tamad na tamad akong gawin.”

“Ang sabi nila kasi like kapag babae raw ‘yung anak mo, mahilig kang magkikay-kikay, mag-ready, and ang active mo. Ako, no. I just wanna lay down and sleep tapos wala akong gana talaga kung ‘di mag-listen ng music or watch TV, gano’n,” dagdag pa niya.

May practical tips sina Jon at Luis para sa viewers

Jon Lucas and Luis Hontiveros
Jon Lucas and Luis Hontiveros

MAY practical tips na ibabahagi sina Descendants of the Sun heartthrob Jon Lucas at Kapuso newbie Luis Hontiveros sa kanilang guesting sa ‘Mars Pa More’ ngayong Lunes (September 21), 8:45 AM hosted by Camille Prats at Iya Villania sa GMA7.

Dahil hindi mapipigilan ang pagpunta ng grocery stores para mamili ng supplies sa bahay, magbabahagi ng helpful tips si Jon mula mismo sa kanyang experience kung papaano ang ligtas at maingat na paraan ng pagbili ng grocery items sa panahon ng pandemya.

Samantala, ibibida naman ni Luis ang kanyang kakaibang workout gamit ang balance board para sa viewers na naghahanap ng bagong exercise routine sa kani-kanilang tahanan.

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal