Alden si Julie Anne ba nag sinasabing liligawan?

March 11, 2020

KUNG noong kainitan ng loveteam nina Alden Richards at  Maine Mendoza ay sobrang naba-bash si Julie Anne  San Jose, ngayon ay walang dahilan para muling i-bash si Julie Ann ng mga fans nina Alden at Maine dahil alam naman na ng lahat na may ibang boyfriend na si Maine, ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde habang parehong single at loveless ngayon sina Alden at Julie Anne na regular na napapanood sa “All Out Sunday”

May mga umaasa na sana’y i-pursue umano ni Alden at Julie Anne pero tahimik pa rin hanggang ngayon ang prized actor ng GMA.

Sa isang panayam, inamin umano ni Alden na meron na umano siyang napupusuang ligawan pero ayaw umano niya munang magsalita hangga’t hindi niya ito girlfriend para hindi umano ma-preempt.

Si Julie Anne nga kaya ito o ibang babae?