Alden sinisisi ng fans sa pagbaling ng atensyon ni Maina kay Arjo

November 13, 2018
Maine Mendoza
Maine Mendoza

HANGGANG ngayon ay tikom pa rin ang bibig nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na may kinalaman sa estado ng kanilang bagong relasyon.

Ayaw ring magsalita ng nakababatang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde tungkol dito pero sinabi niyang masaya siya na nakikitang masaya ang kanyang kapatid.

When Arjo is ready, tiyak daw na magsasalita ito tungkol sa namumuo nilang relasyon ng ka-loveteam ni Alden Richards.

Speaking of Alden, aminado ito na siya umano ang nasisisi ng mga fans ng AlDub dahil hindi umabot sa totoong relasyon ang tambalan nila ni Maine na naging phenomenal nung 2015.  Pero masaya umano si Alden sa present status nila ni Maine bilang magka-loveteam at bilang magkaibigan.  Naniniwala rin ang bida ng “Victor Magtanggol” na hindi pa umano buwag ang kanilang tambalan ni Maine just because nali-link ito sa iba.

Kapag nanligaw at na-link sa ibang babae si Alden, tiyak na matatanggap na ito ng mga fans dahil nauna nang ma-link sa ibang guy si Maine.