Alden sobrang alagaan ng GMA

January 22, 2020
Alden Richards

WALANG alinlangan na ang 28-year-old Kapuso actor na si Alden Richards ang prized possession ngayon ng GMA at ito’y makikita sa mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya.

Malapit nang magtapos sa ere ang primetime drama series na “The Gift” na pinagbibidahan mismo ni Alden pero bago ito magtapos ay pinaghahandaan na niya ang kanyang bagong reality musical game show for the kids, ang “Centerstage” na siya mismo ang main host habang si Betong Sumaya naman ang tatayong journey host para sa mga batang kalahok. Tatayong judges ang Concert Queen na si Pops Fernandez,  ang singer-actress na si Aicelle Santos at ang veteran musical director na si Mel Villena.

Bukod sa bagong sisimulang bagong show ni Alden ay nariyan pa ang bagong simulang Sunday musical variety show ng Kapuso network, ang “All Out Sunday” na pinangungunahan nila ng singer-actress na si Julie Anne San Jose.

Bukod sa pagiging prime talent ng GMA, isa ring successful entrepreneur si Alden na merong apat na branches ng Concha’s Café at sariling franchise ng McDonald’s in Binan, Laguna.