Alden, success ang Iceland trip

February 15, 2019
Alden Richards

Masayang babalik ng bansa sa February 18 si Alden Richards. Successful ang trip niya sa Iceland dahil nagpakita ang Aurora Borealis.

Ang patunay ay ang series of photos na kanyang pinost at ang caption na “Thank you for showing yourself up. #auroraborealis #iceland2019.”

Masaya kay Alden ang mga kaibigan dahil swerte siya na unang biyahe sa Iceland, nagpakita agad ang Aurora Borealis.

Nag-post ng emoji ng thumbs up si Dingdong Dantes at nag-comment sina Ai-Ai de las Alas, Winwyn Marquez, Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Gabby Garcia, Tim Yap, Allan K, Ynna Asistio, Joey Abacan, Direk Louie Ignacio, Kris Lawrence, Maritoni Fernandez at marami pang iba na masaya sila para kay Alden.

Nag-comment naman ng “astig” ang ama ni Alden.

’Katuwa lang dahil may mga nagduda kung talagang si Alden ang nasa litrato at nasa Reykjavic, Iceland siya dahil iba raw ang alam nilang pupuntahan ng aktor.  May iba namang naniwalang nasa bansa lang ang aktor, nagtago at kagabi lang daw lumabas para sa Valentine’s date.