Alden sunud-sunod ang award

September 02, 2019

HINDI personal na natanggap ni Alden Richards ang pinakabagong parangal na iginawad sa kanya, ang Celebrity Icon Award na iginawad sa kanya sa Okada Manila’s 2019 Icon Awards.  The award was received on Alden’s behalf ng kanyang kaibigang fashion designer na si Avel Bacudio.

Ang Celebrity Icon Award ay kasunod sa Asian Star Prize award ni Alden mula sa ika-14th Seoul International Drama Awards na ginanap sa Seoul, Korea nung nakaraang Auugust 28, 2019.   This is on top of Alden’s history-breaking movie with Kathryn Bernardo under Star Cinema,  ang “Hello, Love, Goodbye” na palabas pa rin sa ilang sinehan at tuluy-tuloy ang international screening sa iba’t ibang bansa this month which include Combodia, Japan, South Korea, Vietnam, Thailand, Samoa, Myanmar, Australia, New Zealand, Malaysia, Saipan, Guam, Brunei, Singapore at Hong Kong.  Naipalabas na rin ang pelikula sa North America at sa Middle East.

Hindi pa man naglalabas ang Star Cinema ng latest figures, most likely ay mauungusan na ng HLG ang record-breaking movie ng magkasintahang Kathryn at Daniel Panilla nung isang taon, ang “The Hows of Us” na dinirek din ni direk Cathy Garcia-Molina.  But what is interesting to note ay pelikula pa rin nina Kathryn at Direk Cathy ang sisira ng sarili nilang record.

There should be a follow-up movie for Kathryn and Daniel gayundin sina Kathryn at Alden pero ang problema ay magre-retiro na si Direk Cathy from directing to spend more time with her family.