Alden suportado ang pelikula nina Maine at Carlo

October 19, 2019
Maine Mendoza
Maine Mendoza

DALAWANG beses pinanood ni Maine Mendoza ang megahit movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina ang siyang may hawak ngayon ng highest grossing Filipino film of all time.

Kung sinuportahan ni Maine and unang tambalan nina Kathryn at Alden, gayundin si Alden sa first team-up nina Maine at Carlo Aquino sa pelikulang “Isa Pa with Feelings” na dinirek ni Prime Cruz under Black Sheep Productions and APT Entertainment at kasalukuyang palabas sa mga sinehan nationwide.

Natutuwa pareho sina Alden at Maine para sa isa’t isa na parehong nagi-explore ngayon sa kanilang respective solo careers.

Kumita umano ng P6.8M sa opening day ng IPWF last Wednesday, October 16.  Hindi man ito kasinlakas ng HLG, masaya ang mga taga-Black Sheep Productions at APT Entertainment dahil lalong papalakas ang pelikula na nabigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Ngayong nakagawa na ng mga solo project sina Alden at Maine, patuloy pa ring umaasa ang AlDub fans ng dalawa na sana’y muling magtambal sina Alden at Maine balang araw.