Aldub buwag na dahil sa Kathden

March 14, 2019
Alden Richards

WALANG mag-aakala na ang isa sa mga prime talents ng GMA na si Alden Richards ay gagawa ng pelikula sa bakuran ng Star Cinema, ang film company ng ABS-CBS na rival network ng GMA at makakapareha pa nito ang other-half ng pinakasikat na loveteam sa bansa, ang KathNiel (nila ni Daniel Padilla) na si Kathryn Bernardo.

Ang loveteam ng reel and real life sweethearts na sina Kathryn at Daniel ay siyang may hawak ng box office record ng may pinakamalaking kinitang pelikula sa box office sa pamamagitan ng kanilang “The Hows of Us” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema nung isang taon.  Ito’y kumita ng P915-M sa box office at na-outgross ang dating may hawak ng record na si Vice Ganda sa kanyang pelikulang “The Super Parental Guardians” na pinagsamahan nila ni Coco Martin at kumita sa box office ng P598-M.

Si Direk Cathy rin ang magdidirek ng first team up nina Kathryn at Alden na malamang tawaging KathDen.

The yet untitled movie nina Kathryn at Alden ay kukunan sa Hong Kong at magsisimula na silang mag-shoot sa darating na April 7.

Parehong excited sina Kathryn at Alden sa kanilang first team-up at walang mag-aakala na magkakatrabaho ang dalawa.

Aminado naman si Alden na isa umanong malaking karangalan para sa kanya na makatrabaho sina Kathryn at Direk Cathy at hindi niya ikinakaila na big fan umano siya ng director magmula ng mapanood niya ang “One More Chance” movie na pinagtambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Samantala, kung tuloy na tuloy na ang tambalan sa pelikula nina Kathryn at Alden, magandang pagsamahin din sa pelikula sina Daniel Padilla at Maine Mendoza.  Pero marami rin ang excited sa Sarah Geronimo at Daniel movie magmula nang magpahayag ang Pop Princess na gusto niyang makasama sa pelikula ang huli.

Dahil sa Kathryn at Alden movie, hudyat na nga kaya ito sa tuluyang pagkabuwag ng AlDub loveteam nina Alden at Maine Mendoza?