Aldub fans dapat nang magising sa katotohanan

February 09, 2019
Alden Richard and Maine Mendoza

ANG tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza ay maihahalintulad sa tambalan noon ng Guy and Pip nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.  Ayaw din noon ng mga Guy & Pip fans na  ma-link sa iba ang dalawa noong una. Pero unti-unti nilang natanggap  na kailangan din nilang mag-grow individually kaya sila ipinareha sa iba.  Hindi rin sina Guy and Pip ang nag-end-up in real life.  Ang drama king na si Christopher `Boyet’ de Leon ang napangasawa ni Guy (although nauwi rin sila sa hiwalayan) at si Lyn Ynchausti naman kay Pip.  Guy was paired with other leading men bukod kay Pip tulad nina Manny de Leon, Victor Laurel, Bembol Rocco, ang Indian actor na si Sajid Khan, Eddie Peregrina, Victor Wood, Zandro Zamora, the late Rudy Fernandez, Rolly Quizon, Ricky Belmonte,  Johnny Delgado, Dindo Fernando, Orestes Ojeda, Robert `Bobby’ Jaworski, Ed Finlan, Ronaldo Valdez at marami pang iba.

Gaano man ka-selfish at kaseloso noon ang mga Guy & Pips fans ay natanggap din nila eventually na hindi talaga ukol para  sa isa’t isa ang kanilang mga idolo.  Maraming beses na rin itong nangyari sa iba pang popular loveteams noon na hindi sila ang nagkatuluyan in real life tulad nina  Susan Roces and Eddie Gutierrez, Rosemarie Sonora at Pepito Rodriguez, Nida Blanca at Nestor de Villa, Gloria Romero at Luis Gonzalez, Vilma Santos at Edgar Mortiz, Maricel Soriano at William Martinez, Snooky Serna at Albert Martinez, Manilyn Reynes at Janno Gibbs, Tina Paner at Ramon Christopher, Sheryl Cruz and Romnick Sarmenta, Kristine Hermosa  at Jericho Rosales, Heart Evangelista at Jericho Rosales, Rica Peralejo at Bojo Molina, Jolina Magdangal at Marvin Agustin, Angelu de Leon at Bobby Andrews, Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi at napakarami pang iba.

Maybe, kailangan na ring i-kundisyon ng  AlDub fans ang kanilang mga sarili  na puwede talagang hindi magkatuluyan in real life sina Alden (na sinasabing may lihim na girlfriend) at Maine na nalilink ngayon kay Arjo Atayde.