AlDub Nation, na-achieve ang 1billion tweets

December 13, 2018
Alden Richard and Maine Mendoza
Alden Richard and Maine Mendoza

SELEBRASYONG grande ang AlDub Nation, ang biggest fandom nina Alden Richards at Maine Mendoza. Hindi talaga sila bumitaw para ma-achieve ang one billion tweets sa Twitter, huh!

Since day one nang mabuo ang AlDub loveteam, laging gumagawa ng record ang ADN.

Hanggang ngayon, hawak pa rin ng AlDub loveteam ang isa sa biggest records sa Guinness Book of World Records.

Ang mabigyan ng formal na pagkilala sa 1B tweets na lang ang hinihintay ng AlDub Nation.

Eh, sa puwersang ipinakita nila, masuwerte ang pulitikong ie-endorse ng loveteam nina Alden at Meng dahil isang panawagan lang ng ADN, puwede silang magpanalo ng kandidato next year, huh!

Congratulations, AlDub Nation!

Walang binatbat ang ibang fandom sa inyong galing sa pagsuporta sa inyong mga idolo.