Alessandra may pinagdadaanan?

November 13, 2018
Alessandra De Rossi
Alessandra De Rossi

MARAMI ang nabigla nang dumating si Alessandra de Rossi kasama ang sister niyang si Assunta de Rossi sa  kanyang new bald-look sa premiere night ng kanyang latest movie opposite Fil-Italian actor na si Paolo Contis, ang “Through Night and Day” na dinirek ni Veronica `Roni’ Velasco which she co-produced with Viva Films and OctoArts Films.  Hindi ipinaliwanag ni Alex (palayaw ni Alessandra) kung bakit siya nagpa-kalbo.  Nag-isip tuloy ang marami na may pinagdadaanan ngayon ang singer-actress sa kanyang personal na buhay laluna sa larangan ng pag-ibig.

Iba’t iba naman ang naging reaction ng ibang tao sa bagong bald-look ngayon ni Alex.  Ang iba ay pinuri siya dahil sa kanyang pagiging matapang na ipa-shave ang kanyang mahabang buhok which she carried for the longest time.  Naka-suot naman ng long silver-grey wig si Alex nang ito’y mag-guest sa “Magandang Buhay” last Monday morning.

Bukod sa singing at acting, nagsusulat at nagpu-produce na rin ngayon si Alex ng pelikula na kanyang sinimulan sa pelikulang "12" at ngayon sa “Through Night and Day,” isang kakaibang love story  which was shot in Iceland and partly in Baguio.