Alex dinepensahan ni Toni tungkol sa kontrobersya

May 19, 2019
Toni and Alex Gonzaga

NATALO man ang ama ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na si Carlito `Bonoy’ Gonzaga sa mayoralty race sa Taytay, Rizal sa nakaraang mid-term elections, nanalo naman sa pagka-konsehal ng Lipa, Batangas ang boyfriend ni Alex na si Mikee Morada.

Pero sa gitna nito ay nadawit si Alex sa isang kontrobersiya na may kinalaman sa kanyang nagging pahayag na may kinalaman sa incumbent at nanalong mayor ng Paranaque na si Mayor Edwin Olivarez nung kampanya ng isang partylist (Juan Movement) na sinuportahan niya.

May lumabas kasing balita na iku-consider na `persona non grata’ si Alex sa naturang lungsod dahil sa hindi magandang tinuran nito (Alex).

Pero agad dumepensa si Toni para kay Alex nanakatakda umanong makipag-usap si Alex sa kampo ng reelekyonistang mayor ng Paranaque para makipag-ayos.  Pinaalalahanan lamang si Alex ng administrator ni Mayor Olivarez na si Ding Soriano na sana’y maging maingat ito (Alex) sa kanyang mga binibitawang salita.

Kamakailan lamang ay humarap si Alex along with the new cast ng “Home Sweetie Home: Extra Sweet” na pinangungunahan pa rin ni Toni kasama sina Direk Edgar `Bobot’ Mortiz , Rio Locsin, Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Clarence Delgado, Jordan Ford at ang magkaibigang Fumiya Sankai at Yamyam Gucong, dalawa sa Big Four ng PBB: Otso (Adult Edition).

Ang bagong reformat na “Home Sweetie Home: Extra Sweet” ay nagsimula nung nakaraang May 11, 2019.