Alex may wedding gown na

January 23, 2020

NAKAHANAP na ang mag-ate na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga ng wedding gown na isusuot ng huli sa kanilang kasal ng fiancé nitong politician na si Mikee Morada.  Hindi malinaw kung ito’y off the rack wedding gown in Singapore o gagawin pa lamang ito ng isang Singaporean designer.

Ang Gonzaga family  kasama ang parents nina Toni at Alex na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty, husband ni Toni na si Paul Soriano at three-year-old son nilang si Seve ay magkakasamang nagtungo ng Singapore for bonding.  Kinuha na rin itong pagkakataon ng magkapatid na Toni at Alex na maghanap ng wedding gown na isusuot ni Alex sa kanilang kasal ni Mikee this year, isang indikasyon na hindi isang local designer ang gagawa ng bridal gown ng singer-comedienne at vlogger.

Since may asawa’t anak na si Toni, very supportive ito sa kanyang nakababatang kapatid na si Alex na malapit na ring mag-asawa.