Alex at Mikee engaged na

January 17, 2020
Mikee Morada and Alex Gonzaga
Mikee Morada and Alex Gonzaga

HABANG aligaga pa rin ang publiko sa pagsabog ng Taal Volcano nung nakaraang linggo, January 12, four days after on January 16 sa ika-32nd birthday ng social media star, singer-actress-comedienne, celebrity endorser at entrepreneur na si Alex Gonzaga ay in-anunsyo naman ang kanilang engagement ng kanyang boyfriend of three years, ang businessman-politician na si Mikee Morada.

Magkasama ang respective families nina Alex at Mikee sa kaarawan mismo ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na nag-celebrate sa Sofitel Philippine Plaza.  

Dalawang okasyon ang sine-celebrate ng bagong engaged couple with their families, ang kaarawan ni Alex at engagement nila ni Mikee.

Malaki ang naging papel ng Kapamilya prized actor-turned producer at celebrity endorser na si Piolo Pascual dahil siya ang tumayong kupido sa pagitan nina Alex at Mikee.

Si Mikee umano ang humiling sa kaibigang si Piolo kung puwede siyang ipakilala sa crush niyang si Alex at pinagbigyan naman siya ng actor.

Pitong buwang niligawan ni Mikee si Alex hanggang sa maging sila.  It was on October 31, 2019 nang kanilang i-celebrate ang kanilang third anniversary bilang magkasintahan.

Tiyak na magkakaroon ng mahalagang papel si Piolo sa kasal nina Alex at Mikee at baka ito pa ang tumayong best man.

Ang isa sa mga closest friends ni Alex sa showbiz na si Luis Manzano ang isa sa mga nanguna sa pagbati sa kanila ni Mikee.

Si Luis ay nanligaw noon sa ate ni Alex na si Toni Gonzaga.  Hindi man nagkatuluyan sina Luis at Toni, naging mag-best friends naman sina Luis at Alex.