Alex pinagbig-yan ni Piolo

September 25, 2019

AWARD-winning actress Alessandra de Rossi is trying her hands bilang director for the very first time sa pelikulang “Fluffy and Fream” na pinagtatambalan nila ni Piolo Pascual.

Hindi lamang co-star at director si Alex (Alessandra) sa first team-up nila ni Piolo kundi siya rin ang writer and co-producer ng  pelikula.  She is co-producing the movie with her elder sister and brother-in-law na si Assunta de Rossi at husband nitong businessman at dating politician na si Jules Ledesma.

Natutuwa naman si Alex na pinagbigyan siya ni PJ (Piolo) sa kanyang first attempt bilang co-star, director at producer.

Si Piolo and his partners ng Spring Films (na sina Direk Joyce Bernal at talent manager na si Erickson Raymundo) ang nag-produce ng hit movie nina Alex at Empoy Marquez in 2017, ang “Kita Kita” na kumita sa takilya ng mahigit P300-M.

Sina Piolo at Alex ay nagkasama na sa teleseryeng “Since I Found You” ng Kapamilya Network nung isang taon.