Alindog ni Kelsey, lutang sa sports mag pictorial

February 18, 2019
Kelsey Merritt

BURADO na tila ang hitsurang Pinoy ng Victoria Secret ni si Kelsey Merritt sa pictorial niya sa cover ng isang foreign sports magazine.

Filipino-American si Kelsey at nang silipin namin ang kanyang Instagram, naka-post ang pic niya para sa magazine na kinunan sa Exuma, Tha Bahamas.

Siyempre, lutang na lutang ang kanyang alindog sa litrato, pero mukhang foreigner, huh!

Caption niya, “Sneak preview from my #SISwim Rookie shoot! Can’t wait for the issue to come out in May.”

Pinusuan naman ni Janine Gutierrez ang photo na sinamahan ng caption na, “OMG KELSSSSS CONGRATULATIONS.”

Tinanghal na 2019 swimsuit rookie ng mag si Kelsey pero hindi muna niya ito isinapubliko bago naganap ang pictorial.

Sa video na kanyang pinost, larawan siya ng kaligayahan sa bagong oportunidad na dumating sa kanya.