All-Out Sundays, balik-telebisyon ngayong Linggo

July 08, 2020
All-Out Sundays

MATAPOS ang ilang buwan ay muling mapapanood sa telebisyon ang paboritong Sunday tambayan na ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party’ ngayong darating na Linggo (July 12), sa bago nitong timeslot at 12:45pm sa GMA-7.

Bilang pag-iingat pa rin sa banta ng COVID-19, patuloy pa ring makikipagtawanan at magpe-perform live ang AOS stars sa likod ng kanilang screens via ZOOM.

Abangan ang mga inihandang performances nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Ken Chan, at Rayver Cruz. Samahan din sina Bianca Umali, Ruru Madrid, at Jak Roberto sa pagsagot sa mga kwelang katanungan mula kina Betong Sumaya at Paolo Contis. Habang katatawanan naman ang dala nina Pekto, John Feir, at EA Guzman na susubukang makamit ang titulo ng ‘Walang Talent’.

Bukod pa riyan, marami ring sorpresang hatid ang cast na mamimigay ng GMA Affordabox sa lucky TV viewers. Mapa-online man o telebisyon, tiyak na masaya ang inyong Linggo kasama ang buong cast ng ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party’ live na live sa GMA Network.