Ama ng misis ni Michael, pumanaw

December 30, 2018

SA halip na mag-celebrate ng Christmas ay naging malungkot ang atmosphere ng pamilya ng (second) wife ng veteran actor na si Michael de Mesa na si Julie Reyes-Eigenmann dahil sa pagyao ng kanyang amang si  Raymund Reyes nung araw mismo ng Pasko, December 25.

Si Michael ay 12 years nang hiwalay sa kanyang dating misis, ang actress-director na si Gina Alajar.  Ang dating mag-asawa ay may tatlong anak, sina Geoff, Ryan at AJ Eigenmann na may kani-kanya na ring pamilya.  Nagkahiwalay ang dating mag-asawang Gina at Michael in 2006 ending their 28 years of marriage. In 2011, nagpakasal si Michael sa dating miyembro ng Hotlegs Dancers na si Julie Reyes  habang si Gina ay nanatiling single up to this day.