Ama ni Angelika pumanaw na

July 05, 2020

SUMAKABILANG-buhay na ang ama ng Kapuso singer-actress at barangay chairman ng Longos, Malabon na si Angelika de la Cruz na si Ernie de la Cruz nung nakaraang Sabado, July 4 matapos itong isugod sa pagamutan nung June 23.

Bukod kay Angelika at mga kapatid na sina Erick at Mika, naiwan ng kanyang ama ang misis nitong Italian-Austrian na si Angelica Egger-Cruz. Ang isa pang kapatid ni Angelika na si Edward ay sumakabilang-buhay nung June 10, 2010 dahil sa vehicular accident.

“Daddy, you are my best friend, ang kakampi ko sa lahat.  I’m heartbroken dahil iniwan mo `ko.  I love you so much Dad. Mabuti kang tao na maraming natulungan.  Pahinga ka na. Rest in peace Dad.  Masaya ako  para sa `yo at magkasama na kayo ni Edward.  `Till we meet again.  Mahal na mahal kita#daddysgirl,” post ni Angelika sa kanyang Instagram account.