Home>Entertainment>Showbiz>‘Amazing ang Pasko Christmas Giveaway’ ni Sen. Bong Revilla, marami ang napasaya

‘Amazing ang Pasko Christmas Giveaway’ ni Sen. Bong Revilla, marami ang napasaya

Bong Revilla, Benji Paras, Lani Mercado and Jolo Revilla
Bong Revilla, Lani Mercado-Revilla, Jolo Revilla and Benji Paras.

ISANG malaking tagumpay ang isinagawang ‘Amazing Ang Pasko Christmas Giveaway’ ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na tinutukan ng maraming Pilipino sa Facebook at Youtube Live kung saan namahagi ang aktor-senador ng napakaraming premyo at pangkabuhayan upang makatulong sa gitna ng pandemya.

Matatandaang namahagi rin si Sen. Bong ng libu-libong gadget sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase sa ilalim ng online learning na ipinatupad ng Department of Education (DepEd). Napakarami ring guro ang nabiyayaan ng laptop at cellphone na pangunahin nilang pangangailangan.

Ang Amazing Ang Pasko Christmas Giveaway na isinagawa noong nakaraang Sabado at Linggo ng gabi na tumagal ng halos apat na oras. Sa unang araw ay umabot ng 1,471,445 ang people reach, 1,309,015 ang engagements, 79k ang shares, 834k ang comments, 34k ang like/heart/care at 365k ang views. Sa ikalawang araw ay umabot naman sa 1,754,482 ang people reach, 1,407,186 ang engagement, 663k ang comments, 153,810 ang shares, 561k ang views at 53k ang likes. Tumataginting na P2 milyon ang jackpot sa napakasimpleng palaro at marami ang nanalo ng P100,000 dahil sa napakarami ng umiiyak na kalahok. Maging ang roleta ng papremyo ay sinadyang pigilin ni Revilla dahil sa matinding pangangailangan ng tumawag na kalahok na may nakaratay sa karamdaman na kaanak kaya bukod sa premyong P50,000, P40,000 at P30,000 ay sinasagot pa nito ang pagpapagamot ng maysakit na kaanak.

Bahagi rin umano ito ng pasasalamat ni Revilla para sa una niyang teleserye na ‘Agimat Ng Agila’ na malapit nang ipalabas sa GMA7.

Ang napakasayang Amazing Ang Pasko Christmas Giveaway na live na napanood sa Facebook at Youtube ay pinangunahan mismo ni Revilla bilang host, kasama ang kaniyang maybahay na si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla, Cavite Vice-Governor Jolo Revilla, Moymoy Palaboy at Benjie Paras.