Amuyan ng kili-kili nina Alden at Maine, bumenta sa netizens

February 28, 2019
Maine Mendoza & Alden Richards

ALIW na aliw kina Alden Richards at Maine Mendoza ang viewers sa Facebook Live ng Kapuso ArtisTambayan kahapon.

Dalawa sila sa guests kasama ang ilang co-stars nila sa Daddy’s Gurl, sina Oyo Sotto at Kevin Santos.

Tumatak sa viewers ang dayalog ni Meng tungkol sa kili-kili at pinagpistahan ito sa social media, huh!

“M(aine): Hindi maarte si Alden sa kili-kili, aamuyin niya talaga ’yan.

“Alden: Aamuyin ko pa ’yan.”

Bitin ang fans nilang dalawa sa guestng nilang ’yon pero sobrang happy ang Thursday sa kanila dahil nakita nilang magkasamang muli ang AlDub o Mai-Chard.

Samantala, abangers ang AlDub Nation kung si Alden ang special guest sa birthday episode ni Maine ngayong Sabado sa Daddy’s Gurl.

As of presstime, eh, wala pang kumpirmasyon mula sa namamahala sa sitcom.