Ana ikinasal matapos manganak

October 17, 2019
Ana Capri

ISA nang ganap na ina ang 40-year-old award-winning actress na si Ana Capri matapos nitong isilang ang kanyang first baby na si Dylan John last August 30, 2019 sa kanyang Australian husband na si David.

Ipinagbubuntis na ni Ana ang kanyang baby nang sila’y ikasal ni David sa isang intimate wedding in Darwin, Australia (Northern Territory) nung nakaraang May 13, 2019.

Ayon kay Ana, tinapos lamang umano niya ang taping ng teleseryeng “Ngayon at Kailanman” na tinampukan ng dating magkasintahang Julia Barretto at Joshua Garcia at pagkatapos nito ay agad siyang lumipad patungong Australia to join her husband.

Ayon kay Ana, magkasunod na blessings ang dumating sa kanya nang makilala niya ang kanyang husband na si Dave and eventually ang pagkakaroon ng anak na si Baby DJ (Dylan John).

“I feel so complete now,” pahayag ni Ana nang ito’y aming makausap recently sa pamamagitan ng Messenger.

Although nami-miss niya ang kanyang buhay at career sa Pilipinas, adjusted na rin umano siya sa kanyang bagong buhay ngayon sa Australia kasama ang kanyang husband at baby.

Ang husband ni Ana na si Dave ay nagta-trabaho sa isang oil and gas company in Darwin, Australia.

Ayon kay Ana, nakilala umano niya si Dave through a common friend sa Pilipinas in 2016.  Since then ay nagsimula na umano ang kanilang communication with Dave coming to Manila just to see her.  Hindi naman umano siya makaalis dahil sa kanyang commitments kaya nang matapos ang taping ng “Ngayon at Kailanman” ay siya na ang sumunod kay David sa Australia.

Next year ay magbabakasyon sa Pilipinas si Ana with her husband and baby.  This will also be her first Christmas in Australia na meron na siyang sariling pamilya – her husband and her son.

Samantala, naibenta na ni Ana ang kanyang dalawang sasakyan habang pinauupahan naman niya ang kanyang condo unit.

Si Ana ay may hawak na tatlong Best Actress trophies mula sa Cinemalaya para sa pelikulang “Pila Balde” in 1999 and another Cinemalaya Best Actress for the movie “Ala Verde, Ala Pobre” in 2005 na siya ring nagbigay sa kanya ng Best Actress award mula sa Golden Screen Awards.