Anak ni Alam mag-aaral sa pinasukan ni Trump

June 26, 2019

MASAYANG-masaya ang 43-year-old actress at dating beauty queen na si Alma Concepcion dahil natanggap ang kanyang kaisa-isang anak na si Cobie Puno (sa businessman na si Dodie Puno) sa Fordham University, one of the three oldest universities and one of the most prestigious in New York City, USA.

Cobie will be transferring to Fordham University from Hult University in San Francisco, California, USA where he is taking up a business course.

Ilan sa mga kilalang personalities na nagtapos sa Fordham University ay ang current US President na si Donald Trump, ang veteran award-winning actor na si Denzel Washington, ang actress-producer na si Hilarie Burton, ang kilalang screen writer-TV director na si Alan Alda at ang model-actor na si Hunter Tylo to name a few.

Samantala, hindi malinaw kung muling in good terms si Alma with the father of her son, ang businessman na si Dodie Puno matapos mag-vent out ng kanyang nararamdaman ang actress sa kanyang social media account in February 2015 matapos ihinto ang suporta ng negosyante sa kanilang anak na si Cobie who was 14 years old then and that was more than five years ago.