Home>Entertainment>Showbiz>Anak ni Alma top student sa US

Anak ni Alma top student sa US

Alma Concepcion and son Cobie Puno
Alma Concepcion and son Cobie Puno

MASAYANG-masaya ngayon ang dating beauty queen, actress, interior designer, entrepreneur at isa sa mga brand ambassadors ng Beautederm na si Alma Concepcion sa kanyang 20-year-old son na si Cobie Puno dahil straight A’s ang nakukuha nito sa kanyang pag-aaral ng Business Administration sa Fordham University in New York City, USA, the oldest Catholic and Jesuit University in the Northeastern United States.

Alma Concepcion and son Cobie Puno
Alma Concepcion and son Cobie Puno

It was in August 2018 nang umalis si Cobie patungong Amerika, Una siyang nag-aral (for one semester) sa Hult International Business School in San Francisco, California, USA then moved to Fordham University in New York the following sem.

Hindi ikinakaila ni Alma na iniyakan niya ang unang pagkakataon na nagkahiwalay sila ng kanyang anak na kasama niya sa pagtulog for 18 years.

The first few months was hard for Alma na mapawalay sa anak hanggang sa masanay na rin siya. She kept herself busy. But during school sem breaks ay umuuwi ng Pilipinas si Cobie tulad nitong nakaraang Christmas holidays.

Ang biological father ni Cobie na si Rodolfo `Dody’ Puno ang nagpapaaral sa kanya although hindi sila on speaking terms ni Alma up to now.

“Ang mahalaga okey sila ng anak ko,” pahayag ng dating beauty queen.

Piolo at Claudine magtatambal 16 years after their first movie

DAHIL sa pandemya, maraming proyekto ang nabinbin sa bakuran ng Star Cinema at kasama na rito ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo maging ang reunion film nina Claudine Barretto at Piolo Pascual na parehong nakatakdang idirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Kung matutuloy ang balik-tambalan sa pelikula nina Piolo at Claudine na may pamagat na “2gether Un4ever,” this will be 16 years after their first hit movie, “Milan” na ipinalabas nung February 2004.

Ang last movie na ginawa ni Piolo ay ang second team-up nila ni Toni Gonzaga, ang “Last Night” in 2017 na dinirek ni Joyce Bernal at joint production ng Star Cinema and Spring Films.

Sina Piolo at Claudine ay dating prized talents ng Star Magic ng ABS-CBN.

Kathryn nagdaos ng first anniveresary

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

LAST January 3 ay first anniversary ng box office star and influencer na si Kathryn Bernardo bilang YouTuber na kanyang sinimulan nung January 3, 2020 na pinamagatang “EverydayKath” at meron nang 2.65m subscribers.

Masaya ang fans and followers ng nobya ni Daniel Padilla dahil nasusubaybayan nila ang everyday life ng aktres.

Samantala, sina Kathryn at Daniel ay kasalukuyang napapanood sa digi movie TV series, ang romantic-comedy na “The House Arrest of Us” na pinamahalaan ni Richard Arellano. Pero patuloy pa ring umaasa ang fans ng dalawa na muli silang mapanood sa mainstream TV sa isang TV series. Huling TV series na ginawa ng dalawa ay ang horror-fantasy-drama na “La Luna Sangre” na tumagal sa ere ng siyam ng buwan, June 2017 to March 2018.

Dahil sa pandemya, nabalam din ang kanilang reunion movie project dahil hanggang ngayon ay sarado pa rin ang mga sinehan. Their last movie together ay ang mega hit movie na “The Hows of Us” na dinirek ni Cathy Molina-Garcia in 2018.

Kathryn holds the title of Box Office Queen matapos umabot ng almost P900-M ang first team up nila nila ng Kapuso prized actor na si Alden Richards, ang “Hello, Love, Goodbye” na dinirek din ni Direk Cathy in 2019. Mahigit P800-M din ang kinita ng movie nina Kathryn at Daniel in 2018, ang “The Hows of Us” with Direk Cathy also at the helm.

Jodi nabigla sa pagkakaron ng GF ni Thirdy

Jodi Sta. Maria and son Thirdy Lacson
Jodi Sta. Maria and son Thirdy Lacson

NABIGLA si Jodi Sta. Maria sa pagkakaroon ng girlfriend ng kanyang teen-age son na si Thirdy (Panfilo Lacson III) who just turned 15 last December 23.

Alam ni Jodi na balang araw ay magkakaroon ng girlfriend ang kanyang kaisa-isang anak sa ex-husband na si Panfilo `Pampi’ Lacson, Jr. pero hindi umano niya inaasahan at a very young age.

Si Thirdy ang dahilan kung bakit nagsisikap sa buhay ang actress. Si Thirdy rin ang kanyang best friend and travel buddy.

Samantala, hanggang ngayon ay quiet lamang ang relasyon ng aktres sa actor na si Raymart Santiago na nagsimula nung isang taon.

Lani unti-unti nang nakaririnig

IT was in October 2020 nang magkasunod na araw na isinugod sa ICU ang mag-asawang Lani at Noli Misalucha dahil sa bacterial meningitis na naging cause ng kanilang frequent dizziness at tuluyang pagkabingi ng kanilang right ears. Ito ang dahilan kung bakit pansamantala siyang pinalitan ng Concert Queen na si Pops Fernandez bilang isa sa judges ng reality singing competition ng GMA, ang “The Clash”. Nagkaroon din ng vestibular dysfunction ang mag-asawa kaya kailangan nilang maalalayan.

Although unti-unti nang nagkakaroon ng progress, umaasa ang mag-asawang Lani at Noli na sana’y bumalik na sa normal ang kanilang pandinig laluna ang una na kailangang-kailangan sa kanyang trabaho bilang isang mang-aawit. Although hindi apektado ang kanyang boses, kailangan ni Lani ang normal na pandinig dahil kailangan niyang marinig ang kanyang accompanying band or minus one while performing.

RitKen may bagong teleserye

Ken Chan and Rita Daniela
Ken Chan and Rita Daniela

ANG tambalan ng singers-actors na sina Ken Chan at Rita Daniela ay muling mapapanood sa bagong teleserye ng GMA na “Ang Dalawang Ikaw” kung saan nila makakasama ang baguhang aktres na si Ana Vicente.

Sina Ken at Daniela or RitKen sa kanilang mga fans ay dalawang beses nang nagtambal sa TV series. Nauna na rito ang rom-com na “One of the Baes” at ang drama series na “My Special Tatay”. Magkasama rin ang dalawa sa reality singing competition na “The Clash” maging sa Sunday musical show ng Kapuso network, ang “All Out Sundays”. May movie rin ang dalawa, “Luis Loves Luisa” na dinirek ni Louie Ignacio and jointly produced ng GMA Films and Heaven’s Best Entertainment na naghihintay na lamang ng release dahil sarado pa ang mga sinehan.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger