Home>Entertainment>Showbiz>Anak ni Anne lumalaking kamukha ni Erwann

Anak ni Anne lumalaking kamukha ni Erwann

Anne Curtis and Dhalia Amelie

HALOS nine months na sa Melbourne, Australia ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff kung saan isinilang ang kanilang first born na si Dahlia Amelie nung nakaraang March 2, 2020.

It was in December 2019 nang humingi ng maternity leave si Anne sa kanyang “It’s Showtime” and Viva family para mapaghandaan ang kanyang panganganak kay Baby Dahlia. Pero na-extend ng ilan pang buwan ang kanilang pamamalagi sa Australia dahil sa lockdown.

Baby Dhalia turned 6 months old last Wednesday, September 2 at sa loob ng anim na buwan ay nasubaybayan ng mag-asawa ang development at progress ng kanilang baby na kamukhang-kamukha ni Erwan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam nina Anne at Erwan kung kelan sila makakabalik ng Pilipinas.

Samantala, kahit matagal nang hindi pa nakakabalik sa Pilipinas at sa programang “It’s showtime” si Anne ay patuloy naman siyang napapanood sa kanyang shampoo commercial na hanggang ngayon ay patuloy pa ring ume-ere sa iba’t ibang programa sa telebisyon.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)