Anak ni Cherie nagtapos sa New York

June 01, 2019
Bianca Rogoff and Cherie Gil
Bianca Rogoff with mom Cherie

VETERAN singer-actress Cherie Gil must be beaming with pride ngayong nagtapos na sa kanyang pag-aaral sa Tisch School of Arts ng New York University ang isa a dalawang niyang anak  sa kanyang ex-husband, ang world-renowned violinist na si Rony Rogoff na si Bianca Rogoff.  Bianca was also among the awardees for the outstanding achievements for the classical studio of the  NYU Tisch School of Arts, the performing cinematic and media arts school of the New York University in New York City, USA.

Ang graduation ceremony ay ginanap sa Radio City Music Hall  in New York City recently.

Ang isa pang anak ni Cherie sa dating mister na si Rony Rogoff ay si Raphael Rogoff.  Her eldest son na si Jay (Jeremiah David) ay anak niya sa kanyang previous relationship.

Speaking of Cherie, matapos itong mapanood sa hit primetime TV series na “Onanay” nung isang taon, muli siyang mapapanood sa Kapuso Network as one of the judges sa ika-7th season ng reality talent show na “Starstruck” along with Heart Evangelista and Jose Manalo.  Dingdong Dantes and “Starstruck” alumnus ng nasabing reality talent search sa unang season in 2003 na si Jennylyn Mercado an mga tatayong hosts ng programa.

Starstruck Season 7 starts this month of June.