Anak ni Jose nag-propose kay Lovely

June 15, 2019

HINDING-hindi makakalimutan ng 33-year-old Sunday Pinasaya at Bubble Gang mainstay na si Lovely Abella ang petsang June 11, 2019 nang mag-propose sa kanya ang longtime boyfriend na si Benj Manalo sa isang bar.  Lovely was made to believe na maggi-guest siya sa isang music video shoot kung saan din naroon ang kanilang malalapit na kaibigan not  knowing na dun na pala magpu-propose sa kanya ang kanyang fiancé na ngayon na si Benj, isa sa mga anak ng singer-comedian-TV host at Dabarkads ng “Eat Bulaga” na si Jose Manalo.

Kitang-kita kay Lovely ang pagkabigla at hindi nito napigilan ang maiyak sa sobrang tuwa.

Nagsimula si Lovely bilang isa sa mga pranksters ng “Bitoy Funniest Videos” in 2004 at si Willie Revillame naman ang nagbigay sa kanya ng break bilang dancer-host ng dating “Wil Time Big Time” sa TV5 bago siya nalipat sa GMA kung saan niya naipagpatuloy ang kanyang karera bilang dancer-actress.

Isa namang dancer-actor si Benj na huling napanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Bukod kay Benj, si Jose ay may isa pang anak na actor, si Nicco Manalo na isang mahusay na theater and indie actor.  Ang isa pang anak ni Jose, si Myki Manalo ay pumasa naman sa pagiging isang doctor nung 2017. Ang isa pang  anak ng singer-comedian-TV host ay si Ai Manalo na advertising student sa Assumption College in San Lorenzo, Makati habang ang bunso niyang anak na si Colyn Manalo ay nasa high school pa.

Nahiwalay man si Jose sa kanyang ex-wife na si Anna Lyn, hindi ito nagpabaya sa kanyang role bilang ama sa kanyang mga anak.

Si Jose ay may dalawa pang anak sa dating nakarelasyon.