Anak ni Nadia, limang beses sinubukang magpakamatay

August 23, 2019
Nadua Montenegro with her children
Nadua Montenegro with her children

NAKABIBILIB ang pagiging single parent ng actress-businesswoman na si Nadia Montenegro sa kanyang walong anak na pawang babae at may isang boy na si Xander sa kanyang namayapang partner of 28  years, ang dating Caloocan mayor na si Macario ‘Boy’ Asistio na sumakabilang buhay nung February 2017.

Kahit nung nabubuhay pa si Boy laluna nung may sakit na, si Nadia talaga ang kumakayod para sa kanyang pamilya na hanggang ngayon ay patuloy niyang ginagawa.

Sa kanyang mga anak na sina Alyssa, Alynna, Alyanna, Anykka, Samantha, Ayisha at Sophia, si Ayisha ang sumailalim ng depression at limang beses itong nagtangkang wakasan ang kanyang buhay.  Mabuti na lamang at ito’y naagapan, nagabayan at napaliwanagan ni Nadia kaya ito naka-recover sa pinagdaanang depresyon.

Sa mga anak ni Nadia kay Boy, si Ayisha umano ang most affected sa pagkawala ng ama.

Nang tanungin ni Nadia ang anak kung bakit gusto niyang wakasan ang kanyang buhay, sinabi nitong gusto niyang makasama ang ama.  Ipinaliwanag naman ni Nadia sa anak na hindi siya sa heaven mapupunta kundi sa hell kapag ginawa niya ang pagpapakamatay kaya natauhan ito.

Iminulat ni Nadia ang kanyang mga anak sa paniniwala at paglilingkod sa Diyos kaya malaking factor umano ito sa pagbabago ng pananaw ni Ayisha na inaasahang magiging pastora balang araw.

Sa kabila ng pagiging single parent ni Nadia sa kanyang mga anak at pagiging abala sa kanyang negosyo, ang Meats & Company na nagsu-supply ng imported steaks at everyday gourmet (gourmet bottled products and ready to eat pasta sauces) naisisingit pa rin nito ang kanyang acting career.

Nakakatulong na rin kay Nadia ang kanyang mga anak tulad ni Yna na may diamond shop sa Landers (along C-5 ) at Greenhills, ang panganay niyang anak na si Yssa ay may sarili ng dental clinic sa loob ng kanilang village, steak business naman kay Yana habang lemon stand kay Anykka.