Anak ni Paulo, ’di isyu sa girlfriend

January 11, 2019
Paulo Avelino

PAGKAGULAT ang naging reaksyon ni Jodie Tarasek, girlfriend ni Paulo Avelino, nang malaman na may anak na siya.

Eh, 21 years old pa lang siya nu’ng magkaroon sila ng relasyon ni Paulo, pero hindi naging isyu sa kanya ’yon.

“Just because someone has a child, it doesn’t make them a lesser person,” pahayag ni Jodie sa relaunching ng Aksyon TV na makikilala na bilang 5 Plus simula bukas, January 13.

Chill lang daw sila sa selebrasyon ng kanilang anniversary. Sa unang taon nila, eh, nagsuot lang sila ng face mask.

“We would rather do some intimate than go out,” saad ng Fil-Australian model.

Pero sa tanong kung sasabak din siya sa pag-arte gaya ni Paulo, “I will leave that to Paulo. Maybe hosting,” tugon niya.

Si Jodie ang nag-host ng relaunch kaya naman pahayag ni Chot Reyes, president at CEO ng TV5, papipirmahin na niya ng kontrata si Jodie bilang isa sa  event hosts ng network.

Ang 5 Plus ay extension ng sports shows na napapanood sa TV5.

Maglalaman ito ng esports, fight sports at extreme sports.

“All sports, wala nang iba. ’Di ba may teleradyo kami? We will still keep the radio but the video will be on Cignal. Kasi, mahihirapan kami, eh. Parang chopsuey dati na halu-halo. So we decided to give it a definite brand, definite character,” paliwanag ni Coach Chot.

Balita pa niya, mapapanood na rin ang MPBL basketball league ng isang araw.

“I think one game a week at the start,” sey niya.

Pagmamalaki pa niya, “2018 was a good year.”

Wala na nga lang si Derek Ramsay sa TV5.

“Hindi na namin ni-renew ang contract niya because of the changes in direction. We parted, ended on very good terms. No ranchor or animosity,” paliwanag ng TV5 exec.