Home>Entertainment>Showbiz>Andi buntis na naman

Andi buntis na naman

Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

BUNTIS na naman ngayon sa ikatlong anak ang `island girl’ actress na si Andi Eigenmann, her second sa kanyang present partner, ang surfing champion from Siargao na si Philmar Alipayo.

Ang panganay ng actress na si Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann) na anak niya kay Jake Ejercito ay magna-9 years old sa darating na November 23 habang ang panganay nila ni Philmar na si Lilo (Keliana Alohi Eigenmann Alipayo) turned one year old last July 23.

Si Andi ay naka-base na rin ngayon sa Siargao Island with Philmar and Lilo habang si Ellie ay papunta-punta lamang during school breaks dahil sa Maynila ito nag-aaral at mas madalas na kasama ng kanyang amang si Jake Ejercito.