Andi ‘di pa pinakakasalan ni Philmar

July 04, 2020
Andi Eigenmann

WALANG alinlangan na adjusted na ang actress na si Andi Eigenmann sa kanyang simpleng buhay-isla sa Siargao Island kasama ang kanyang present partner, ang surfer champ na si Philmar Alipayo at ang kanilang ten-month-old baby na si Keliana Alohi (Lilo).

Ang surfing ang naging daan ng pagkakakilala at pagkakalapit nina Andi at Philmar.

Si Philmar ay may dalawang anak na parehong lalake na sina Toro at Kanoa na malayo sa kanya pero regular umano niyang nakakausap sa pamamagitan ng video call.

Samantala, parehong hands-on parents sina Andi at Philmar kay Loli.

Kahit wala pang isang taon si Loli ay ini-expose na niya ang bata sa surfing kaya hindi magiging kataka-taka kung maging surfer din ito paglaki.

Maganda ang relasyon ni Philmar sa panganay ni Andi (kay Jake Ejercito), ang eight-year-old na si Ellie. Kapag ito’y nasa Siargao ay isa umano silang pamilya.  Marunong na rin ng surfing si Ellie dahil tinuturuan siya ng kanyang mom at Tito (Philmar).

Although may anak na sina Andi at Philmar, hindi umano nila pinag-uusapan ang kasal.

Hindi malinaw kung kasal si Philmar sa ina ng kanyang unang dalawang anak.

Philmar is 27 habang kati-30 lamang ni Andi last June 25.