Home>Entertainment>Showbiz>Andi engaged na kay Philmar, binaha ng bashers

Andi engaged na kay Philmar, binaha ng bashers

Andi Eigenmann and Philmar Alipayo
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo

NAG-PROPOSE ang Siargao-based surfer champ na si Philmar Alipayo sa kanyang partner of two years, ang actress na si Andi Eigenmann. Nangyari ito last Sunday, December 20 sa Batangas. Nasa terrace ang dalawa sa kanilang tinuluyang cottage in Anilao nang mag-propose si Philmar kay Andi at hindi napigilang ng huli ang mapaiyak sa sobrang tuwa. Ipinagbubuntis ngayon ng actress ang kanilang second baby (Andi’s third).

Andi Eigenmann and Philmar AlipayoWhile in Anilao, nakapag-scuba diving sina Andi, Philmar at Ellie. Nakapag-hiking din ang mag-anak (including Lilo) sa Mt. Gulugod Baboy.

Nag-umpisang mahilig si Andi sa island life nang ito’y pansamantalang mamimirmihan sa Baler, Aurora then moved to Siargao Island kung saan naman niya nakilala ang surfer champ na si Philmar. Doon nag-blossom ang pag-iibigan ng dalawa. Dito rin nag-desisyon si Andi na mag-base sa Siargao at i-give-up and kanyang luxurious life sa siyudad para mamuhay nang simple sa island.

Since the lockdown, it was only last July nang makaluwas ng Maynila si Andi with her daughter, Lilo (habang naiwan sa Siargao si Philmar) to bond with her daughter, Ellie and her mom (Jaclyn Jose), brother Gwen Garimond, some relatives and friends. A couple of months later ay sumunod sa kanyang mag-ina si Philmar. Narito ngayon sa Maynila ang mag-anak where they plan to spend the Christmas holidays hanggang sa panganganak ni Andi.

Andi Eigenmann and Philmar Alipayo
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo

Samantala, aminado ang aktres na nakatanggap umano siya ng mga negative comments nang una niyang i-post ang relasyon nila ni Philmar dahil hindi umano sila bagay. Pero sinunod ni Andi ang itinitibok ng kanyang puso at masaya umano ang kanilang pagsasama kasama ang mga bata.

Philmar has two sons sa kanyang previous relationship. Very close din siya kay Ellie kahit hindi siya ang biological father nito. Katunayan siya ang nagsanay kay Ellie sa pagsu-surf gayundin sa kanilang more than one-year-old daughter na si Lilo when she was only a few months old.

Ngayong engaged na sina Andi at Philmar, malamang na sa isang taon na magpakasal ang dalawa.

Dimples sinorpresa ng asawa sa 36th birthday

IBINAHAGI ng mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee ang ginawang sorpresang ihihanda ng huli sa kanyang misis sa kanyang 36th birthday nung nakaraang buwan na ginanap sa isang out-of-town place na malapit sa beach. Sa personal letter pa lamang na sinulat at binasa ni Boyet sa harap ni Dimples ay hindi na napigilan ng huli ang maiyak. Narating ng mag-asawa ang lugar sa pamamagitan ng isang motorcycle ride. Lalong nasorpresa ang actress nang hindi niya inaasahang darating doon ang dalawa sa kanyang close friends na sina Lloyd Samartino at Bea Alonzo. Naroon din ang panganay na anak ng mag-asawa na si Callie.

Dimples and Boyet have been married for seventeen years at may dalawa silang anak, sina Callie at Alonzo.

Hindi rin makakalimutan ng marami ang kabutihan ng puso ng mag-asawa dahil niregaluhan ng couple ang kanilang long-time kasambahay na itinuturing nilang kapamilya ng sarili nitong bahay.

Although matagal nang artista si Dimples, umangat nang husto ang kanyang karera bilang aktres nang kanyang gawin ang hit afternoon TV series ng ABS-CBN, ang “Kadenang Ginto” where she played the lead antagonist. Since then ay tuloy-tuloy na ang pagsipa ng career ni Dimples hindi lamang bilang actress kundi bilang celebrity endorser.

Matteo gustong makipag-ayos sa parents ni Sarah sa Christmas

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

PARA sa mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ang darating na Pasko at Bagong Taon ay napaka-espesyal sa kanilang dalawa dahil ito ang time na ise-celebrate nila ang Christmas at New Year bilang mag-asawa.

The couple plan to celebrate the Christmas holidays with their respective families. Ito na rin siguro ang tamang panahon na makipag-ayos ang mag-asawa sa parents ni Sarah na naging estranged sa couple since their controversial secret wedding nung February 20, 2020.

Gustong harapin nina Sarah at Matteo ang taong 2021 nang masaya at matiwasay sa kabila ng mga pagsubok na kanilang hinarap sa taong magtatapos.

Jodi producer ng isa sa 10 MMFF 2020 entries

JODI Sta. Maria is adding another cap to her cap by turning film producer sa isa sa sampung official entries ng 2020 online Metro Manila Film Festival, ang “The Boy Foretold by the Stars” na dinirek ng writer-director-producer na si Dolly Dulu at tinatampukan nina Keann Johnson at Adrian Lindayag.

Walang mapagsidlan ng kaligahayan si Direk Dolly nang maisakatuparan niya ang pagsasapelikula nito based on a personal love experience in high school.

Ayon sa batang director, naikuwento umano niya kay Jodi ang kuwento ng movie during the break ng taping ng “My Single Lady” for iWant na pinagbidahan ng actress. Nagustuhan umano ni Jodi ang istorya at hindi ito nagkait ng tulong na maisakatuparan ang filming ng movie.

Kinu-consider ni Direk Dolly si Jodi as his `fairy godmother’ dahil nabuo ang production ng “The Boy Foretold by the Stars” na masuwerteng nakapasok sa 2020 MMFF.

Samantala, ang “The Boy Foretold by the Stars” is the only BL movie among the 10 official entries ng MMFF na magsisimula ngayong Biyernes, December 25, araw ng Pasko at magtatapos on January 7, 2020. Samantala, ang awards night ng MMFF ay magaganap on December 27 pero hindi pa malinaw kung ito’y gagawing virtual awards night.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger